Social Icons

FAQs Kung Paano mag-migrate sa Australia



The following blog about immigration FAQs to Australia, is a bit outdated already but it is still valid and useful. With the permission and consent of the real author, we decided to post it here. 



May 2013 - Habang sinusulat ko to ay katatapos lang ng eleksyon sa Pinas. Election 2013, gandang pakingan no. Pero gaya ng mga resulta ng mga nagdaang eleksyon.

Marami ang disappointed. May mga nahalal na hindi karapat dapat at ang dapat ay hindi nahalal.
So anong kinalaman nito sa FAQ?

Aba, napakalapit ng koneksyon nito. Dahil marami ang hindi nagustuhan ang resulta.
Marami ang nagtatanong saken kung pano makalayas sa Pinas at makapagmigrate dito.

Hindi ko sila masisi kasi ganon din ako nung Election 2010.
Hindi ko nagustuhan ang resulta kaya dun ako napaisip na tuluyan ng magmigrate at heto nako ngayon sa Australia.

Bago pa maganap ang halalan, marami ng nagtatanong saken dati kung pano makalayas sa Pinas, pero inaasahan ko na mas dadami magtatanong saken ngayon kaya gagawa na lang ako ng FAQ.
Siguro kung maniningil ako sa mga nagtatanong saken kung pano makapagmigrate sa Australia ay mayaman nako.
Pero hindi ako taong bayaran :P
Kaya sinasabi ko lahat ng impormasyon na alam ko ng libre, para matulungan sila.
Napakamahal ng bayad sa agent, pandagdag na lang nila sa mga gastusin nila yun.

At bago pa kayo mabore sa mga pinagdadaldal ko, sige na nga umpisahan ko na.
Teka hindi pa pala, itong mga nakasulat dito ay “IN A NUTSHELL” lamang.
Ano naman ibig sabihin ng “IN A NUTSHELL”?
Kung nakakita ka na ng shell ng mani o kahit anong nut, NUTSHELL tawag dun, alam mo yung panlabas na anyo ng nut sa pamamagitan ng shell nya, pero hindi mo alam kung ano itsura nung nasa loob.

Ganon din ang FAQ na ito, somehow may idea ka na pano magmigrate sa AU dahil masasagot nito ang mga basic na tanong pero hindi mo pa rin alam ang kabuuan o kaloob-loobang detalye kung pano magmigrate.

Kaya naging “IN A NUTSHELL” gets?
ok game.

Q1. Pano ka nakapagmigrate sa Australia? Pano ginawa mo?
A1. Napakalawak ng tanong na to, so malawak din ang sagot ko. Ang sinasagot ko
“magpunta ka dito www.immi.gov.au tapos click mo yung Finding a Visa nandyan na lahat ng kasagutan sa tanong mo, sagutan mo lang ng tama yung mga pinapapili sayo”

Malawak na tanong, malawak na sagot.

Q2. Magkano show money?
A2. Wala pong show money na kailangan sa pagmigrate sa Australia UNLESS mag-aaply ka ng state sponsorship na nagrerequire ng show money.

Q3. Ano naman ang state sponsorship?
A3. From the word itself, state sponsor, yung isang state ay iisponsoran ka para makapagmigrate sa AU. Ang Australia ay mayroong 8 State. New South Wales, Queensland, Victoria, Australian Capital Territory, Tasmania, South Australia, Western Australia, Northern Territory.
May mga list of skills sila na hinahanap at willing silang magsponsor sa mga taong may skill na kailangan nila.
Kada state, iba ibang skill ang kailangan, iba ibang proseso ng pag sponsor, iba ibang patakaran, yung iba may bayad, yung iba wala. Nasa sa iyo na yun kung san ka nababagay at kung san kailangan ang skill mo.

Q4. Matagal ba prosessing?
A4. Depende. Kung mabilis ka magpasa ng mga papeles na kailangan nila at mabilis ka rin makapasa sa IELTS at pasado ka rin agad sa Medical Checkup ay natural mabilis lang din ang prosessing. Nasa sa inyo yan kung babagalan mo o bibilisan mo. Pero para magka-idea kayo sa timeline. Ganito yan.

1 – Skill Assessment (3mos)
2 – IELTS (after 2 wks ata may result na)
3 – State Sponsor (3mos) Optional, pwedeng meron pwedeng wala
4 – Skill Select , depende, kung mataas pts mo, 70 above ay maari kang ma-invite agad.
5 – Kung ang inaplyan mo ay 189 Skilled Migration, depende rin 8mos – 2yrs
6 – Kung 190 State Sponsored, 1-2 Months lang.

Q5. Magkano nagastos nyo?
A5. Malaki :D
Pero depende yan kung ilang beses ka mag take ng IELTS at hindi ka makapasa-pasa gaya ko, e lalaki ang gastos mo.
Kung mag state sponsor ka pa na may bayad, another gastos na naman yan.
Ipapa notaryo mo pa mga dokumento mo, gastos ulit yan. So para may idea ka ulit ito ililista ko para sayo.

As of this writing ito mga bayad.
1. Skill Assesment – 400AUD
2. IELTS -9,000PHP (roundoff ko na)
3. Notaryo – 80-300 per document, depende sa abugado. Mas mura siguro sa abugadong tumatangap ng labada tuwing linggo.
4. State Sponsorship – 400AUD, may mga state na walang bayad so optional din to.
5. Visa application charge – as of this writing nasa
“1st instalment – 3060 Australian Dollars (AUD3060)”
Marami nagtatanog kung kailangan pa nila yung 2nd installment bayaran. Ang sagot po ay hindi na, magbabayad ka lang kung hindi marunong mag English ang partner mo. No joke. 1st installment lang binayaran ko.

In a nutshell yan ang babayaran, kung maka sampung take ka ng IELTS, 90K na diba, so depende ang gastos, nasa sa iyo yun.
Paki-compute na lang ang total, tinatamad ako e.

Q6. Madali lang ba magsama ng family?
A6. Oo naman, pag nag-apply ka dapat isama mo na family mo, kung gusto mo gumastos ng malaki, mag-apply kayo ng hiwa-hiwalay :D

Update: Nagmahal na ang visa fees, may bayad na kada pamilya. Tingnan dito.

Q7. Kailangan ba talaga mag IELTS?
A7. Pwede naman hindi ka mag IELTS, pero dapat may US, UK passport ka. So mamili ka na lang kung IELTS o kuha ka ng passport nila. In short, kailangan mong mag IELTS, walang lusot dun.

Q8. Madali ba makahanap ng work dyan?
A8. Aba assuming ka masyado ha, wala ka pa ngang visa nagtatanong ka na agad ng work. Kumuha ka muna ng visa. Pero ang sagot dyan ay depende. Lahat ng bagay ay depende, kung ang skill mo ay napaka-rare at 1 in a million lang dito sa Australia ay madali ka makakahanap ng work. Pero kadalasan mga 3 months bago makahanap ng work ang bagong migrant. Importante kasi sa kanila ang local experience.

Q9. Pero pano ka magkaka-experience kung walang mag hire?
A9. Maari kang maghanap muna ng trabaho na hindi mo field, odd jobs baga, at dahil dun, magkakaroon ka na ng local experience para makalipat sa work na gusto mo. Tyagaan lang.

Q10. Pwede bako mag Tourist muna tapos dyan na lang hahanap ng work?
A10. Umi-istyle ka ha, hindi po Singapore ang Australia. Walang papansin sayo kung Tourist Visa ka lang tapos maghahanap ka ng trabaho. Kumuha ng tamang visa.

Q11. Mahal ba cost of living dyan?
A11. Ayan ka na naman e, masyado mong pinoproblema ang hindi pa problema. Pero ang sagot ulit dyan ay depende.
Kung magastos kang tao e kahit gano pa kalaki sahod mo, kulang pa rin, kung matipid ka naman kahit gano kaliit, kasya. Pero oo nga mahal nga dito :P

*Note: Dadagdagan ko to pag may naalala akong mga katanungan sa akin na wala dito.
Kung may tanong kayo na wala dito, pakilagay sa comment para sagutin ko at maisama ko dito.

*Note2: Pag natulungan kayo ng FAQ na to, ilibre nyo na lang ako ng siomai pag-uwi ko sa Pinas.
Miss na miss ko na ang lasa ng siomai house at ang kanilang yelo na may gulaman este gulaman na may yelo.


No comments:

Post a Comment

Forex TRading Online

Random Posts

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks
 
Blogger Templates